Bible Study: FrontPage




 

Deuteronomio, Chapter 34

Bible Study - Deuteronomio 34 - Filipino - Ang Dating Biblia - Web
 
 
 
Comment!       Comment Disqus!
  
1. At sumampa si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab sa bundok ng Nebo, sa taluktok ng Pisga, na nasa tapat ng Jerico. At itinuro ng Panginoon ang buong lupain ng Galaad hanggang sa Dan,
  
2. At ang buong Nephtali at ang lupain ng Ephraim at ng Manases, at ang buong lupain ng Juda hanggang sa dagat kalunuran,
  
3. At ang Timugan at ang Kapatagan ng libis ng Jerico na bayan ng mga puno ng palma hanggang sa Soar.
  
4. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ito ang lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabi, Aking ibibigay sa iyong binhi: aking pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata, nguni't hindi ka daraan doon.
  
5. Sa gayo'y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon.
  
6. At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor; nguni't sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito.
  
7. At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya'y mamatay: ang kaniyang mata'y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina.
  
8. At iniyakan ng mga anak ni Israel si Moises sa mga kapatagan ng Moab, na tatlong pung araw: sa gayon, natapos ang mga araw ng pagtangis sa pagluluksa kay Moises.
  
9. At si Josue na anak ni Nun ay napuspos ng diwa ng karunungan: sapagka't ipinatong ni Moises ang kaniyang mga kamay sa kaniya; at dininig siya ng mga anak ni Israel, at ginawa nila ang gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
  
10. At wala pang bumangong propeta sa Israel na gaya ni Moises, na kilala ng Panginoon sa mukhaan,
  
11. Sa lahat ng mga tanda at mga kababalaghan na iniutos ng Panginoon gawin sa lupain ng Egipto kay Faraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang buong lupain,
  
12. At sa buong makapangyarihang kamay at sa buong dakilang kakilabutan, na ginawa ni Moises sa paningin ng buong Israel.


Search in:
Terms:

Vote and Comment on Facebook:Recommend This Page:
Post on Facebook Add to your del.icio.us Digg this story StumbleUpon Twitter Google Plus Post on Tumblr Add to Reddit Pin this story Linkedin Google Bookmark Blogger
Insert Your Personal Insight:

Please do not make mean comments and follow the biblical and spiritual character of this forum. If, however unpleasant situations arise, we request to flag it to us in order to evaluate the situation.

Text source: This text is in the public domain, downloaded from http://www.unboundbible.org, compiled by biblephone2008@gmail.com.

This project is based on delivering free-of-charge the Word of the Lord in all the world by using electronic means. If you want to contact us, you can do this by writing to the following e-mail: bible-study.xyz@hotmail.com


SELECT VERSION

COMPARE WITH OTHER BIBLES