Bible Study: FrontPage




 

Genesis, Chapter 10

Bible Study - Genesis 10 - Filipino - Ang Dating Biblia - Web
 
 
 
Comment!       Comment Disqus!
  
1. Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.
  
2. Ang mga anak ni Japhet; si Gomer, at si Magog, at si Madai, at si Javan, at si Tubal, at si Meshech, at si Tiras.
  
3. At ang mga anak ni Gomer: si Azkenaz, at si Rifat, at si Togarma.
  
4. At ang mga anak ni Javan; si Elisa, at si Tarsis, si Cittim, at si Dodanim.
  
5. Sa mga ito nangabahagi ang mga pulo ng mga bansa, sa kanilang mga lupain, na bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang wika; ayon sa kanikanilang angkan, sa kanikanilang bansa.
  
6. At ang mga anak ni Cham; si Cush, at si Mizraim, at si Phut, at si Canaan.
  
7. At ang mga anak ni Cush; si Seba, at si Havila, at si Sabta, at si Raama, at si Sabtech: at ang mga anak ni Raama; si Sheba, at si Dedan.
  
8. At naging anak ni Cush si Nimrod: siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa.
  
9. Siya'y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya't karaniwang sabihin: Gaya ni Nimrod, na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon.
  
10. At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel, at ang Erech, at ang Accad, at ang Calneh, sa lupain ng Shinar.
  
11. Buhat sa lupaing yaon ay napasa Asiria at itinayo ang Ninive, at ang Rehobotir, at ang Calah,
  
12. At ang Ressen, sa pagitan ng Ninive at ng Calah (na siyang malaking bayan).
  
13. At naging anak ni Mizraim si Ludim, at si Anamim, at si Lehabim, at si Naphtuhim.
  
14. At si Pathrusim, at si Casluim (na siyang pinagbuhatan ng mga Filisteo), at ang Caphtorim.
  
15. At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth.
  
16. At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo;
  
17. At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo.
  
18. At ang Aradio, at ang Samareo at ang Amatheo: at pagkatapos ay kumalat ang mga angkan ng Cananeo.
  
19. At ang hangganan ng Cananeo ay mula sa Sidon, kung patungo sa Gerar, hanggang sa Gaza; kung patungo sa Sodoma at Gomorra, at Adma, at Zeboim hanggang Lasa.
  
20. Ito ang mga anak ni Cham, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang mga lupain, sa kanilang mga bansa.
  
21. At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Heber, na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet.
  
22. Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram.
  
23. At ang mga anak ni Aram: si Uz, at si Hul, at si Gether, at si Mas.
  
24. At naging anak ni Arphaxad si Sala; at naging anak ni Sala si Heber.
  
25. At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
  
26. At naging anak ni Joctan si Almodad, at si Sheleph, at si Hazarmavet, at si Jerah;
  
27. At si Hadoram, at si Uzal, at si Dicla.
  
28. At si Obal, at si Abimael, at si Sheba.
  
29. At si Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan.
  
30. At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan.
  
31. Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa.
  
32. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanikanilang lahi, sa kanikanilang bansa: at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw.


Search in:
Terms:

Vote and Comment on Facebook:Recommend This Page:
Post on Facebook Add to your del.icio.us Digg this story StumbleUpon Twitter Google Plus Post on Tumblr Add to Reddit Pin this story Linkedin Google Bookmark Blogger
Insert Your Personal Insight:

Please do not make mean comments and follow the biblical and spiritual character of this forum. If, however unpleasant situations arise, we request to flag it to us in order to evaluate the situation.

Text source: This text is in the public domain, downloaded from http://www.unboundbible.org, compiled by biblephone2008@gmail.com.

This project is based on delivering free-of-charge the Word of the Lord in all the world by using electronic means. If you want to contact us, you can do this by writing to the following e-mail: bible-study.xyz@hotmail.com


SELECT VERSION

COMPARE WITH OTHER BIBLES