Bible Study: FrontPage




 

Genesis, Chapter 14

Bible Study - Genesis 14 - Filipino - Ang Dating Biblia - Web
 
 
 
Comment!       Comment Disqus!
  
1. At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel, hari sa Sinar, ni Ariok hari sa Elasar, ni Chedorlaomer hari sa Elam, at ni Tidal na hari ng mga Goiim,
  
2. Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma, at laban kay Birsha hari sa Gomorra, kay Shinab hari sa Adma, at kay Shemeber, hari sa Zeboim, at sa hari sa Bela (na si Zoar).
  
3. Lahat ng ito'y nagkatipon sa libis ng Siddim (na siyang Dagat na Alat).
  
4. Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer, at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik.
  
5. At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya, at sinaktan ang mga Refaim sa Ashteroth-Carnaim, at ang mga Zuzita sa Ham, at ang mga Emita sa Shave-ciriataim.
  
6. At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir, hanggang Elparan na nasa tabi ng ilang.
  
7. At sila'y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat (na siyang Cades), at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa Hazezon-tamar.
  
8. At nagsilabas ang hari sa Sodoma, at ang hari sa Gomorra, at ang hari sa Adma, at ang hari sa Zeboim, at ang hari sa Bela (na dili iba't si Zoar); at sila'y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim;
  
9. Laban kay Chedorlaomer, hari sa Elam, at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel, hari sa Shinar, at kay Arioch, hari sa Elasar; apat na hari laban sa lima.
  
10. At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng betun; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra, at nangahulog doon, at ang natira ay nagsitakas sa kabundukan.
  
11. At kanilang sinamsam ang lahat ng pag-aari ng Sodoma at Gomorra, at ang lahat nilang pagkain, at nagsiyaon.
  
12. At dinala nila si Lot, na anak ng kapatid ni Abram, na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pag-aari at sila'y nagsiyaon.
  
13. At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo; na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga ito ay kakampi ni Abram.
  
14. At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa Dan.
  
15. At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.
  
16. At iniuwi niya ang lahat ng pag-aari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid, at ang kaniyang mga pag-aari, at gayon din ang mga babae at ang bayan.
  
17. At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (na siyang libis ng hari).
  
18. At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y saserdote ng Kataastaasang Dios.
  
19. At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa:
  
20. At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.
  
21. At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pag-aari.
  
22. At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.
  
23. Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram:
  
24. Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi.


Search in:
Terms:

Vote and Comment on Facebook:Recommend This Page:
Post on Facebook Add to your del.icio.us Digg this story StumbleUpon Twitter Google Plus Post on Tumblr Add to Reddit Pin this story Linkedin Google Bookmark Blogger
Insert Your Personal Insight:

Please do not make mean comments and follow the biblical and spiritual character of this forum. If, however unpleasant situations arise, we request to flag it to us in order to evaluate the situation.

Text source: This text is in the public domain, downloaded from http://www.unboundbible.org, compiled by biblephone2008@gmail.com.

This project is based on delivering free-of-charge the Word of the Lord in all the world by using electronic means. If you want to contact us, you can do this by writing to the following e-mail: bible-study.xyz@hotmail.com


SELECT VERSION

COMPARE WITH OTHER BIBLES