Bible Study: FrontPage




 

Panaghoy, Chapter 5

Bible Study - Panaghoy 5 - Filipino - Ang Dating Biblia - Web
 
 
 
Comment!       Comment Disqus!
  
1. Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.
  
2. Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.
  
3. Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao.
  
4. Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.
  
5. Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.
  
6. Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.
  
7. Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.
  
8. Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.
  
9. Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang.
  
10. Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom.
  
11. Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
  
12. Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang.
  
13. Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.
  
14. Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.
  
15. Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.
  
16. Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.
  
17. Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;
  
18. Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora.
  
19. Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man: ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.
  
20. Bakit mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan mo kaming totoong malaon?
  
21. Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.
  
22. Nguni't itinakuwil mo kaming lubos, ikaw ay totoong napoot sa amin.


Search in:
Terms:

Vote and Comment on Facebook:Recommend This Page:
Post on Facebook Add to your del.icio.us Digg this story StumbleUpon Twitter Google Plus Post on Tumblr Add to Reddit Pin this story Linkedin Google Bookmark Blogger
Insert Your Personal Insight:

Please do not make mean comments and follow the biblical and spiritual character of this forum. If, however unpleasant situations arise, we request to flag it to us in order to evaluate the situation.

Text source: This text is in the public domain, downloaded from http://www.unboundbible.org, compiled by biblephone2008@gmail.com.

This project is based on delivering free-of-charge the Word of the Lord in all the world by using electronic means. If you want to contact us, you can do this by writing to the following e-mail: bible-study.xyz@hotmail.com


SELECT VERSION

COMPARE WITH OTHER BIBLES