Bible Study: FrontPage




 

Awit, Chapter 143

Bible Study - Awit 143 - Filipino - Ang Dating Biblia - Web
 
 
 
Comment!       Comment Disqus!
  
1. Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik: sa iyong pagtatapat ay sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
  
2. At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod; sapagka't sa iyong paningin ay walang taong may buhay na aariing ganap.
  
3. Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko; kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa: kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
  
4. Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko; ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
  
5. Aking naaalaala ang mga araw ng una; aking ginugunita ang lahat mong mga gawa: aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
  
6. Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo: ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
  
7. Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay: huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
  
8. Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan; sapagka't sa iyo ako tumitiwala: ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran; sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
  
9. Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway: tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
  
10. Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban; sapagka't ikaw ay aking Dios: ang iyong Espiritu ay mabuti; patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran.
  
11. Buhayin mo ako, Oh Panginoon, dahil sa iyong pangalan: sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
  
12. At sa iyong kagandahang-loob ay ihiwalay mo ang aking mga kaaway, at lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa; sapagka't ako'y iyong lingkod.


Search in:
Terms:

Vote and Comment on Facebook:Recommend This Page:
Post on Facebook Add to your del.icio.us Digg this story StumbleUpon Twitter Google Plus Post on Tumblr Add to Reddit Pin this story Linkedin Google Bookmark Blogger
Insert Your Personal Insight:

Please do not make mean comments and follow the biblical and spiritual character of this forum. If, however unpleasant situations arise, we request to flag it to us in order to evaluate the situation.

Text source: This text is in the public domain, downloaded from http://www.unboundbible.org, compiled by biblephone2008@gmail.com.

This project is based on delivering free-of-charge the Word of the Lord in all the world by using electronic means. If you want to contact us, you can do this by writing to the following e-mail: bible-study.xyz@hotmail.com


SELECT VERSION

COMPARE WITH OTHER BIBLES