Bible Study: FrontPage




 

Awit, Chapter 84

Bible Study - Awit 84 - Filipino - Ang Dating Biblia - Web
 
 
 
Comment!       Comment Disqus!
  
1. Kay iinam ng iyong mga tabernakulo, Oh Panginoon ng mga hukbo!
  
2. Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon; ang puso ko't laman ay dumadaing sa buhay na Dios.
  
3. Oo, ang maya ay nakasumpong ng bahay, at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay, sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo, Hari ko, at Dios ko.
  
4. Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay: kanilang pupurihin kang palagi. (Selah)
  
5. Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo; na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
  
6. Na nagdaraan sa libis ng iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal; Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
  
7. Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan, bawa't isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
  
8. Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin: pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
  
9. Masdan mo, Oh Dios na aming kalasag, at tingnan mo ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.
  
10. Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo. Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios, kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
  
11. Sapagka't ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
  
12. Oh Panginoon ng mga hukbo, mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.


Search in:
Terms:

Vote and Comment on Facebook:Recommend This Page:
Post on Facebook Add to your del.icio.us Digg this story StumbleUpon Twitter Google Plus Post on Tumblr Add to Reddit Pin this story Linkedin Google Bookmark Blogger
Insert Your Personal Insight:

Please do not make mean comments and follow the biblical and spiritual character of this forum. If, however unpleasant situations arise, we request to flag it to us in order to evaluate the situation.

Text source: This text is in the public domain, downloaded from http://www.unboundbible.org, compiled by biblephone2008@gmail.com.

This project is based on delivering free-of-charge the Word of the Lord in all the world by using electronic means. If you want to contact us, you can do this by writing to the following e-mail: bible-study.xyz@hotmail.com


SELECT VERSION

COMPARE WITH OTHER BIBLES